Tuesday, September 21, 2010

Research & Study : Detailed Instruction On Start-Up

QUESTION: “HOW TO START WATER REFILLING STATION BUSINESS?” / Paano po magsimula kung nais kong magtayo ng negosyo na katulad ng Water refilling station?
ANSWER: Madali lng naman po mag simula sa ganitong negosyo, narito po ang mga “procedures” kung paano:
1.Maghanap ng supplier o nagbebenta ng mga water refilling equipments, humingi ng listahan at presyo ng ibat ibang klase ng makina na pwede mong pagpilian, kung maaari humingi na rin ng mga ”writes-up” patungkol sa water station business, kadalasan nagbibigay na din sila ng ‘feasibility study” kung saan doon mo malalaman kung magkano ang magiging gastos o puhunan mo upang makapagtayo ng ganitong negosyo.
2. Pagkatapos pag-aralan ang mga quotations at kabuuang gastusin at sa palagay mo naman na kakasya ang budget mo o puhunan, then pwede kanang makipagtawaran sa supplier, humingi ng mga diskwento, alamin ang mga suporta na maibibigay nila katulad ng “maintenance” at ‘warranty’. Babala: huwag maakit basta basta sa mga murang makina, baka mura dahil tinipid o pipitsugin ang mga kinabit na pyesa. Ugaliin mag kumpara at mag usisa kung ano ang nkikita sa larawan ng makina na kanilang ibibigay.
3. Pagkatapos makapili ng wastong makina na bibilhin, maghanap na muna ng pwesto o magandang lugar na pwedeng pagtayuan ng refilling station mo, yun ibang munisipyo po ay 25sqm ang nire required na kabuuang sukat para sa ganitong negosyo, pero kadalasan yun 20sqm na sukat ng tindahan ay sapat na.
Kung ayaw naman mag rent pwede narin po yung sarili nyong lugar ang gamitin, hindi rin po problema o sagabal kung nasa loob man kayo ng subdivision, wag po mag alala at kikita pa rin po kayo.
4. Kung may nakita na po kayong pwesto o lugar para sa inyong tindahan ay pwede na uling kontakin ang napili mong supplier ng makina para sa inyong final na pag uusap, manghingi po ng typical lay-out ng isang water station sa kanila na pwede nyong gayahin para sa tindahan nyo. Yun iba po na ‘katulad namin “ kami po ang pupunta sa area nyo para sukatan at i lay-out ang tamang design na pwdeng gawin sa available na sukat na pagtatayuan ng inyong tindahan.
5. Kadalasan po ang supplier ay manghihingi ng paunang bayad para masimulan ang inyong makina, ang leadtime po sa pag buo ng makina ay 2 hanggang 3 linggo. Humingi po lamang ng kasulatan o resibo kung kayo ay magbibigay na ng paunang bayad. 6. Pagkatapos mai closed ang deal sa supplier pwede napo pasimulan ang pagtatayo ng tindahan or refilling station, ang construction po ay tumatagal mula 3 hangang 4 linggo bago matapos, ipagawa na rin po ang deep well kung yan ang napili nyong water source (ipa bisita sa supplier yun tindahan habang ito ay ginagawa upang makita kung nasusundan ng karpentero yun lay-out na kanyang binigay, importante po kasi masunod yun design lalo na sa washing area, mga pipings at drainage lay-out), so habang nagpapagawa pa lang, pwede napo simulan ang pag a apply ng inyong business permit.
7. Pumunta sa pinakamalapit na DTI sa inyong lugar, magdala ng cedula at brgy. Clearance. Maghanda din ng lima hanggang sampung lista ng ibat ibang pangalan na inyong napipili na maging pangalan ng inyong negosyo ‘business name’.
8.) Pagkatapos makuha ang registered business name na galing sa DTI, tumuloy napo sa inyong munisipyo at mag apply naman ng Mayor’s or Business permit. Ang proseso po ay tumatagal ng 2 hanggang 3 linggo depende rin po sa area, yun iba po munisipyo ay i require kayo na mag submit ng A.) water analysis of potability ( Physical, chemical and bacteriological test) ng inyong raw or source of water. B.) Engineering drawings (building and electrical plan) signed by a sanitary engineer at mga common legal requirement po kapag nag a apply ng building permit.
9. Pagkatapos makakuha ng business permit at operational permit sa munisipyo, pumunta naman sa BIR at mag fill-up ng form 0506 at bayaran sa counter. Kapag nakatapos na sa BIR, pwede napo kyo magpagawa ng mga resibo sa printing press. Dalhin po ang approved form 0506 ng BIR kasi requirements po yan sa ibang printing press.
10. Bilhin na po yun iba pang gamit na inyong kakailanganin katulad ng mga galon, selyo, heat gun, sanitizer soap at iba pa. Isabay na rin po ang pagpapagawa ng inyong signage at sticker labels para sa inyong mga produckto.
12. Kung gawa ng ang tindahan at ready na ang water source, ipa schedule napo ang installation ng makina (kung maaari po ay piliin ang oras sa gabi ng sa ganon mapabilis ang paggawa at makaiwas sa mga usyusero). Ang makina po ay maikakabit mula isa hanggang dalawang araw lamang.
13. Hayaan po muna na mag “dry run” ang makina mula isa hanggang tatlong araw bago magbenta o kumuha ng sample para sa water analysis ng inyong produkto. Pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng DOH at alamin kung paano ang proseso sa pagpapa test ng tubig. (TIP: mas maganda po na after a month na kayo kumuha ng sample upang maging maganda ang resulta inyong water analysis).
14.) Antayin ang resulta ng water testing na inyong pinadala, pag pumasa Goodluck po! And Welcome to the Club. Pag bumagsak po ay ipatawag nyo po agad ang gumawa ng inyong makina at (isama nyo sa hilera ni Rizal -he he he Joke lang po) ipa analyze nyo kung bakit… QUESTION: MAGKANO PO ANG LAHAT NG MAGAGASTOS O PUHUNAN SA WATER REFILLING STATION BUSINESS?
AT GAANO PO KATAGAL BAGO KO MABAWI ANG AKING PUHUNAN?
ANSWER: Pakibasa po ang yun “Investment Capital and R.O.I.” sa “Feasibility Study” na paksa or i click lang dito sa shortcut link.
QUESTION: ANU ANO PO BA ANG MGA KLASE NG TUBIG NA PWEDE NATIN ITINDA?
ANSWER: May roon po tayo apat (4) na klase ng tubig na pwedeng i produce mula sa mga nabibiling makina sa kasalukuyan.
1.Mineral Water = Mura ang puhunan sa makina, dis-advantage: madaling masira or maigsi ang buhay ng produkto.
2. Purified Water = Mas mahal ang makina kaysa Mineral process kasi ginagamitan ng “Reversed Osmosis system”, tumatagal ang tubig hanggang anim (6) na buwan.
3. Alkaline Water = Nauuso dahil sa mga writes-up na di umano’y nakakagaling sa kalusugan ng tao, katulad ng mineral madali din masira ang buhay tubig.
4. PI Water = Nagmula sa Japan, epektibo daw para sa kalusugan ng ating katawan pero mahal pa ang bentahan kaya dipa nag clik dito sa Pinas, parami narin ang tumatangkilik katulad ng mga intsik, selling price is about P200 to P250 per container (5gal.)
QUESTION: ANO PO BA ANG MAGANDANG SOURCE OF WATER: NAWASA OR DEEP WELL?
ANSWER: Kahit alin po sa dalawa e pu-pwede. Ang nawasa tipid sa una kasi di kana mag papahukay at mapapakabit ng Deep well, kaya lng malaki ang charging from nawasa kapag ginamit mo ito sa commercial use. Ang deepwell magastos sa simula pero sa katagalan mas makakatipid ka kumpara sa gumagamit ng nawasa or locally supplied water.
QUESTION: ILAN PO ANG SAPAT NA TAO ANG KAILANGAN SA PAGPAPATAKBO NG WATER STATION?
ANSWER: Sa simula po ay sapat na ang tatlo. Isang driver, isang helper at isang refiller/washer. Kapag po lumalakas na ang sales or dumadami na ang demand ng customers then tsaka po kayo magdagdag ng tao. (pls. read related topic on Return of Investment matrix).
QUESTION: ANO ANO PO ANG MGA CONSUMABLE ITEMS SA GANITONG KLASENG NEGOSYO?
ANSWER: 1. Sediment filter = palit kada buwan or depende rin sa linis ng source or raw water mo.
2. GAC or Carbon Filter = usally 6 to 8 month ave., pero kung madumi mo ang raw water nyo e baka 4 mos. lang magbara na.
3. Mga selyo araw araw ginagamit.
4. Stickers mabilis din maubos, kapag hindi gloss or laminated ang pagka print sigurado magastos sa stickers.
5. Carbon fillings = 8mos. to 1.5 years ang ave. lifespan, pinapalitan kapag nadurog na ang laman, or kung hindi na maganda ang amoy at lasa ng tubig mo.
QUESTION: GAANO PO KATOTOO NA KIKITA KA NG MALAKI AT MAKAKABAWI AGAD SA GANITONG NEGOSYO?
ANSWER: Lahat po ng negosyo ay hindi instant magic, malaki ang potensial na kikita ng malaki lalo na’t common necessity ang produktong tubig. “Pero” ito po ay nangangailangan ng konting “sipag, tyaga at abilidad “ sa pagbebenta.
QUESTION: SAAN PO KAYA KAMI PWDEDE MAKABILI NG MAGANDA, MURA PERO SIGURADONG MAY KALIDAD NA MAKINA PARA SA GANITONG NEGOSYO?
ANSWER: Kung kayo po ay medyo maselan, hindi naman kalabuan ang paningin, hindi rin naman gaano kakuriputan at higit sa lahat taglay ang katangian ng isang pagiging“wised buyer” e dapat alam nyo na at walang iba kayong dapat puntahan at bilhan kundi sa Equizone Enterprise po lamang he he…good luck po.




No comments:

Post a Comment